Monday, October 9, 2017

Bakit masarap ang bawal?

Bakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba may mga taong kahit alam na bawal ay gagawin o ginagawa padin?

"Bawal magtapon ng basura dito"

"Bawal tumawid dito"

"Bawal umihi dito"

"Bawal manigarilyo dito"

"Bawal magkalat dito"

"Bawal magdate dito"

"Bawal magsakay o magbaba dito"

"Bawal mangutang dito"

"Bawal ma-inlove, nakamamatay"



Gaano nga ba kahirap intindihin o sundin ang mga bawal na ito?

Marami tayong dahilan kaya ginagawa natin ang bawal. Madalas ay para mapadali para sa atin ang isang gawain o bagay. Ayaw kasi natin ang nahihirapan. Ang isang karaniwang sagot kung bakit ginagawa natin ang bawal ay dahil sa ito ay masarap. Masarap manigarilyo,  masarap magpakalasing, masarap mag droga at masarap lumandi sa asawa o kasintahan ng iba.

Kaya hindi nakapagtataka na mas madalas, kung ano ang bawal, iyon ang sinusunod ng tao. Mas madali ang sumuway kaysa ang sumunod. Mas pipiliin ang masarap kaysa mapait.

Pag sinabi mo bang bawal ang isang bagay, tumatawag ba ito ng maling uri ng atensyon? Mas nagiging curious ba tayo kung bakit bawal ito kaya natin nasusuway?

Bakit nga ba masarap ang bawal? Kasi daw may kakaibang “thrill” itong taglay. Teka, kung ganoon lang pala ang hanap mo, bakit hindi ka nalang pumunta ng amusement park at sumakay sa roller coaster o mag trabaho sa karnabal kung saan ikaw yung binabato ng kutsilyo ni manong magician?

Hindi tayo nilikha para sa pansarili lamang. Hindi naman masama na kahit minsan ay sumunod sa bawal, at isipin ang kapakanan ng iba. 

Friday, September 22, 2017

Ang Aking Pangarap

Sampu - sampung beses man akong umiyak at halos sumuko nang dahil sa pangarap na sa tingin ko ay hindi ko kayang abutin. Sampung beses pa din akong susubok na mabuo ang aking pangarap, at haharap sa mga taong may ngiti sa aking labi at masasabi kong nagawa ko din.

Siyam - siyam na ulit kong pupuntahan at babalikan ang mga bagay na magiging dahilan ng aking tagumpay.

Walo - walong beses akong tatawa na parang walang bukas. Walong beses akong ngingiti na parang bang kahit kelan never akong nadapa.


Pito - pitong beses mang sabihin sakin na hindi ko kaya at sumuko nalang. Pitong beses ko pa ding papatunayan na kaya ko.

Anim - anim na beses kong babalikan ang mga masasayang alaala kasama ng aking mga kaklase na tinuring kong pangalawang pamilya.

Lima - limang beses kong uulit-ulitin sa mga taong nanghusga sa kakayahan ko na mali sila.

Apat - apat na taon man ako mahirapan sa kursong kinuha ko. Hindi ako susuko.


Tatlo - tatlong mga salita lang ang masasabi ko "kaya ko to"

Dalawa - Dalawang tao ang mayroon ako na sumusuporta, gumagabay at nagmamahal sakin hanggang sa makamit ko pangarap ko.

Isa - isang desisyon lang ang kailangan kong gawin, gaano man ako katagal madapa at umiyak pipiliin ko yung sa tingin ko ay magiging dahilan nang pag-abot ng aking mga pangarap.


Bakit masarap ang bawal?

Bakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba may mga taong kahit alam na bawal ay gagawin o ginagawa padin? "Bawal magtapon ng basur...