Bakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba may mga taong kahit alam na bawal ay gagawin o ginagawa padin?
"Bawal magtapon ng basura dito"
"Bawal tumawid dito"
"Bawal umihi dito"
"Bawal manigarilyo dito"
"Bawal magkalat dito"
"Bawal magdate dito"
"Bawal magsakay o magbaba dito"
"Bawal mangutang dito"
"Bawal ma-inlove, nakamamatay"
Gaano nga ba kahirap intindihin o sundin ang mga bawal na ito?
Marami tayong dahilan kaya ginagawa natin ang bawal. Madalas ay para mapadali para sa atin ang isang gawain o bagay. Ayaw kasi natin ang nahihirapan. Ang isang karaniwang sagot kung bakit ginagawa natin ang bawal ay dahil sa ito ay masarap. Masarap manigarilyo, masarap magpakalasing, masarap mag droga at masarap lumandi sa asawa o kasintahan ng iba.
Kaya hindi nakapagtataka na mas madalas, kung ano ang bawal, iyon ang sinusunod ng tao. Mas madali ang sumuway kaysa ang sumunod. Mas pipiliin ang masarap kaysa mapait.
Pag sinabi mo bang bawal ang isang bagay, tumatawag ba ito ng maling uri ng atensyon? Mas nagiging curious ba tayo kung bakit bawal ito kaya natin nasusuway?
Bakit nga ba masarap ang bawal? Kasi daw may kakaibang “thrill” itong taglay. Teka, kung ganoon lang pala ang hanap mo, bakit hindi ka nalang pumunta ng amusement park at sumakay sa roller coaster o mag trabaho sa karnabal kung saan ikaw yung binabato ng kutsilyo ni manong magician?
Hindi tayo nilikha para sa pansarili lamang. Hindi naman masama na kahit minsan ay sumunod sa bawal, at isipin ang kapakanan ng iba.